Inanunsyo ng Manila International Airport Authority (MIAA) na mayroong mga domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nakansela ngayong Lunes dahil sa pagsama ng panahon sa destinasyon nito.

Sa kanilang Facebook post, ipinabatid ng MIAA na kanselado ang mga sumusunod na flights:

CebGo (DG) 6177/6178 Manila-Masbate-Manila

PAL Express (2P) 2203/2204 Manila-Roxas-Manila

National

Malaking bahagi ng bansa, uulanin dahil sa amihan, shear line

2P 2889/2890 Manila-Ozamis-Manila

Ayon sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang 4:00 ng madaling araw, makararanas ng maulap na may kasamang pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw dahil sa northeast monsoon o amihan at shear line.