Dismayado ngayon si datingNational Security Adviser Clarita Carlos kaugnay sa espekulasyon na nagsumite siya ng report kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kung saan nakapaloob ang pangalan ng ilang personalidad na dawit umano sa pagpupuslit ng sibuyas sa bansa.

“Diyos ko, sobrang kabalbalan niyan. Noong una, tinatawanan ko lang 'yan. Ngayon, yamot na yamot na ako. Bwisit na bwisit na ako diyan. Walang basis 'yan,” pahayag ni Carlos sa isang radio interview nitong Lunes, Enero 30.

Iginiit ni Carlos, dapat na tanungin angNational Intelligence Coordinating Agency (NICA) kung nagsumitesila ng report sa Pangulo.

Nanawagan din siya sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon na itigil na nila ito.

National

Giit ni Romualdez: Trahedya ng Bagyong Yolanda ‘di na raw dapat maulit

“Nag-resign na ako. Tantanan na nila ako," sabi ni Carlos.

Lumutang ang espekulasyon laban kay Carlos nang magbitiw ito bilang National Security Adviser kamakailan.

Si Carlos ay pinalitan ni datingDepartment of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa kanyang puwesto.

Kabilang na si Carlos sa mga miyembro Congressional Policy and Budget Research Department ng House of Representatives.