Kamakailan lamang ay ibinahagi ng social media personality couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario na naisilang na ang kanilang panganay na anak na si "Baby Meteor" na talaga namang pinanggigilan ng mga netizen, lalo na ang mga tagasuporta at tagasubaybay nila.

Dahil marami nga ang nakatunghay sa buhay nila ngayon lalo't may baby na sila, hindi rin maiwasang masita sila ng concern netizens na nakakakita kung paano nila alagaan ang kanilang anak.

Sinita ng ilang netizens ang nakita nilang pagpapainom ng tubig sa anak dahil delikado raw ito.

“Dont give baby newborn plain water.. just feed him milk…"

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

“Not advisable painumin ng water ang new born mga momsh… physician asawa ko at bagong panganak lang din ako. Wag n'yo muna painumin ng tubig. At paarawan n'yo si baby para hindi manilaw, takpan ang mata para hindi masilawan.”

“Don’t give baby newborn plain water. Just give milk to baby. Give plain water him only 6 months to up. Take good care of your baby Meteor! Happy family.”

“Parang hindi sila na paalalahanan sa hospital na inanakan nila. Kawawa naman si baby. Sana walang masamang mangyari. Napaka-cute pa naman.”

Pinagsabihan din ng mga netizen ang mag-partner na huwag buksan-buksan ang mga pikit pang mata ni Baby Meteor at hayaan itong kusang bumukas.