How true ang umiikot na tsikang hindi raw kumita ang production company ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa naganap na reunion concert na "Huling El Bimbo" ng Eraserheads noong Disyembre 22, 2022 sa SMDC Festival Grounds, Parañaque City, dahil sa grabehan at super-taas na talent fee ng front man nitong si Ely Buendia?

Matatandaang isa ang Myriad Corporation ni Pambansang Bae Alden sa nag-produce ng naturang concert na talaga namang gumawa ng ingay at sinasabing sold-out pa.

Ayon sa lumabas na ulat, ₱80M daw ang TF ni Ely, at hindi pa malinaw kung para lang sa kaniya, o kasama na rito ang para sa lahat ng miyembro ng banda.

Sa mahal pa raw ng production cost ay tila nga halos palabas ang kinita ng kompanya sa naturang concert.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Karamihan daw sa mga nanood ay gumamit ng complimentary tickets, subalit marami rin naman ang talagang bumili.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Alden, ng Eraserheads, o mismong ni Ely Buendia tungkol dito. Bukas ang Balita Online sa kanilang panig.