Upang mabawasan ang pagkonsumo ng mga plastik na nakaaapekto sa kalikasan, may mga sari-sari store sa San Juan City ang nagbebenta ng tingi-tinging mga produkto na maaaring ilagay sa kanilang refillable container.

Ayon sa Facebook post ng Greenpeace Philippines, bahagi raw ang naturang gawain ng kanilang proyektong “Kuha Sa Tingi” para mabawasan na ang pagkonsumo sa mga plastik na nakasisira sa kalikasan.

“[We] launched the project #KuhaSaTingi, aiming to make sustainability more accessible and affordable,” pahayag ng Greenpeace.

Dahil sa kanilang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalan ng San Juan City at sa Impact Hub Manila, nakapaglagay na raw sila ng refilling stations sa mga sari-sari store sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

Sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 760 na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2014, kinilala ang buwan ng January bilang Zero Waste Month. Layon nitong paalalahanan at himukin ang mga taong magpahalaga sa waste management para sa ikabubuti ng kalikasan at lipunan.

Saad ng Greenpeace: “Shampoo, dishwashing liquid at marami pang ibang daily essentials pwede nang makuha sa TINGI minus the plastic sachets? WINNER!” 

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!