Usap-usapan ngayon ang kumakalat na poster sa magaganap na "Pasasalamat" concert ng Tingog partylist at UniTeam na kumakalat ngayon sa social media.

Sa katunayan, as of this writing ay trending ang singer na si "Bamboo Mañalac" na kabilang sa mga magiging performers, kasama sina Karla Estrada, Andrew E, at iba pang mga banda. Magaganap ang event sa ilang araw sa Pebrero hanggang Marso.

Hindi pa malinaw kung makakasama rito si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano.

Marami sa mga netizen ang nagulat na kabilang sa naturang event si Bamboo. Sinariwa ng mga netizen ang kaniyang awiting "Tatsulok."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"BAMBOO? Tikes."

https://twitter.com/AltKapamilyaCH/status/1619446408066760705

"Here is your reminder that Bamboo did NOT write 'Tatsulok.' The song was an original by the band Buklod, of which Noel Cabangon is a member of. It was written during the Cory Aquino Administration, specifically when she shifted to the right and went all out against the NPA."

"May bago na naman bang ika-cancel ang Pinklawan?"

"Cancel Bamboo na?"

"Bamboo wasn't able to truly comprehend Tatsulok's message. What a shame."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Bamboo tungkol dito.