Finally ay ipinakita na sa publiko ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang mukha ng kanilang anak na si Baby Peanut, na isang buwan na ngayon.

"Happy 1 month our Peanut," nakalagay sa caption ng Facebook post ni Luis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makikita rin ang mga litrato ni Baby Peanut sa FB post ni Jessy.

"Hello world, meet Isabella Rose Tawile Manzano."

"Happy 1st month, our little Rosie!"

Bumaha naman ng magaganda at positibong reaksiyon at komento tungkol sa cute na cute na mukha ni Baby Peanut, na siyempre, nagmana raw sa kaniyang mga magulang, idagdag pa ang kani-kanilang mga lolo at lola.

Matatandaang ilang beses na binarda ni Luis ang bashers na atat na atat nang masilayan ang mukha ng kanilang anak.