Hindi pa rin pumipirma sa NorthPort ang shooting guard na si Robert Bolick kahit matatapos na ang kontrata nito sa Enero 31.

Ito ang kinumpirma ni NorthPort team manager Pido Jarencio at sinasabing wala pang tugon ang 27-anyos na manlalaro.

"Hintayin lang namin na mag-agree siya sa ibinigay naming offer. Eh 'di hintayin natin," sabi ni Jarencio.

Sa kabila nito, sinabi ni Jarencio na hindi pa rin nila isinusuko ang malaking offer ng koponan sa kamador ng Batang Pier.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Hindi naglaro si Bolick mula nang magsimula ang PBA Governors' Cup dahil sa mild hamstring injury.

Hindi rin umakyat sa Antipolo si Bolick upang magbigay ng suporta sana sa laban ng koponan kontra NLEX Road Warriors nitong Sabado ng gabi.

Si Bolick ay third overall pick ng Batang Pier noong 2018 PBA Draft at pumirma ito ng dalawang taong kontrata.