Patuloy na makararanas ng pag-ulan ngayong Linggo, Enero 29, ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa northeast monsoon o “amihan”, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, magiging maulap na may kasamang pag-ulan sa mga lugar sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon dahil sa amihan.

Magkakaroon din ng maulap na may panaka-nakang pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga, and Davao Oriental dahil naman sa shear line.

Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga nasabing lugar sa mga posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa mararanasang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, makararanas ng kaulapan na may bahagyang pag-ulan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon dahil pa rin sa amihan, habang magiging medyo maulap na may kasamang panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms naman sa mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.