“You may bring your Prince Charming who could put the sandal on you... if it fits! 😉

Trending ngayon sa social media ang post ng Facebook page ng Public Order & Safety Division (POSD) - City of Baguio tampok ang larawan ng kaliwang pares ng sandals habang pinananawagan ang tila parang si Cinderella na may-ari nito.

“A CINDERELLA STORY - We're looking for the owner of this brand new pairless wedge sandal (left pair) that may have fallen off someone's bag at the Treasury Market Division office last Monday, 23 January, sometime after the clock struck 12,” sabi ng naturang post.

Ang shoe brand daw ng nasabing sandals ay M Style size 38.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

“To claim, please proceed to our office located at the Ground Floor of Block 4 along Hilltop Rd. here at the Public Market and simply present the other pair,” saad nito.

Hirit pa ng POSD: “You may bring your Prince Charming who could put the sandal on you... if it fits! 😉

Pumatok naman sa netizens ang mala-Cinderella na paghahanap ng POSD sa nasabing nakaiwan ng kaliwang pares ng sandals.

Umabot na ang naturang post ng mahigit 3,600 reactions, 237 comments, at 860 shares.

Biro ng netizens:

“So ipe-prepare na ba ang kalabasa coach?”

“Ako na lang ‘yung kontrabidang stepsister, 38 po ang paa ko, kasyang kasya po ‘yan🤣.”

“Please bring the right pair when claiming. Don't expect it to ‘magically’ appear when you put it on.”

“Ako na lang ‘yung kontrabidang stepsister, 38 po ang paa ko, kasyang kasya po ‘yan.🤣

“Thank you po, papunta na po….ay charooot lang pala, 37 size ng paa ko.🤣

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!