QUEZON - Dinakma ng pulisya ang dalawangbabae matapos mahulihan ng₱2 milyong halaga ng illegal drugs sa ikinasang buy-bust operation sa General Luna nitong Linggo ng madaling araw.

Nasa kustodiya na ng General Luna Municipal Police Station ang dalawang suspek na sinaMelody Revilloza, 41, at Marie Baldoviso, 45.

Isa umanong high-value individual si Revilloza, ayon sa pulisya.

Sa police report, dinakip ang dalawa sa Sitio Malalim, Barangay San Jose dakong 1:45 ng madaling araw matapos umano nilang bentahan ng shabu ang police poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga ito ang 19 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng ₱2,040,000.00 at marked money.

Probinsya

Mayon, nakataas pa rin sa Alert Level 3; higit 400 rockfall events naitala

Sasampahan ng kasong paglabag saComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.