Sa kabila ng karamdaman, tinupad ni Queen of All Media Kris Aquino ang kaniyang pangako sa panganay na anak na Josh na pupunta sila sa 'happiest place on Earth' na Disneyland.
Ibinahagi ni Kris sa kaniyang Instagram nitong Sabado ang pagpunta nila nina Josh at Bimby sa Disneyland sa California.
Makikita sa post ang isang video clip kung saan mapapanood ang quality time nilang mag-iina.
"Promise fulfilled because I gave Kuya Josh my word," saad ng aktres sa caption.
Matatandaan na binanggit ni Kris sa kaniyang birthday message kay dating Pangulong Cory Aquino na nangako siya kay Josh na pupunta sila sa Disneyland.
"My promise for kuya timed for your birthday. I really pray kayanin ko even just 5 rides so kuya will have happy memories during this whole ordeal..."
Gayunman, matapos ang kanilang Disneyland trip, bedridden na ulit si Kris. Aniya, kahit na ganun ay super worth daw dahil napasaya niya ang kaniyang anak.
"Bedridden now BUT kuya kept saying “thank you mama”… super worth it to give him this memory… my checkup is in several days, i don’t know if my doctors will immediately start me on my immunosuppressant therapy," saad ni Kris sa comment section.
Si Kris ay kasalukuyang nakikipaglaban sa apat na autoimmune disease.