Walang nanalo sa ₱49.5M premyo ng Ultra Lotto at ₱58M ng Mega Lotto ngPhilippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)nitong Biyernes ng gabi, Enero 27.

Ayon sa PCSO, walang nakahula sa winning combination ng Ultra Lotto na06-25-34-43-21-24na may kaakibat na₱49,500,000 premyo.

Gayunman, 10 bettors naman ang nanalo ng second prize na nagkakahalagang ₱120,000 at 523 na manlalaro naman ang nakakuha ng third prize na may halagang ₱2,000.

Samantala, wala ring nakahula sa winning combination ng Mega Lotto na21-29-42-14-37-34 na may kaakibat namang premyo na ₱58,640,551.20.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kabilang banda, may 38 namang nakakuha ng second prize na may halagang ₱32,000 at 1,502 na mananaya ang nakakuha ng ₱1,000 para sa third prize.

Hinikayat naman ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Roblesang publiko na tangkilikin ang mga PCSO games, partikular na ang lotto, upang magkaroon na ng pagkakataong magiging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang ang Ultra Lotto naman ay tuwing Martes, Biyernes, at Sabado.