Isa sa mga napag-usapan sa maiksing panayam ni King of Talk Boy Abunda sa "Fast Talk with Boy Abunda" kay Kapuso actor Paolo Contis ay ang paglilinaw sa paratang ng dating karelasyon ng aktor na hindi ito nagbibigay o nag-aabot ng sustento sa anak.

Bago kasi ang Kapuso actress na si LJ Reyes, hiniwalayan ni Paolo ang kaniyang ex-partner na si Lian Paz, at may dalawang anak siya rito na sina Xalene at Xonia.

Emosyunal si Paolo nang sagutin niya ang untag ni Tito Boy kung totoo ba ang paratang sa kaniya ni Lian.

Ani Paolo, totoong hindi siya nakakapagsustento sa mga anak dahil may rason daw siya kung bakit niya ginagawa ito. Pero nilinaw niyang nag-iipon siya ng pera upang siya mismo ang magbibigay nito para sa kaniyang mga anak, pagdating ng tamang panahon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakuha raw niyang manahimik dahil ayaw na raw niyang mabasa ng mga anak sa internet ang kaniyang mga isasagot sa isyu.

Hindi rin aniya siya nakapagbibigay ng sustento kay Summer, ang junakis naman nila ni LJ, na kasalukuyang nasa Amerika.

Aminado rin si Paolo na takot na takot siyang dumating ang puntong kamuhian siya ng mga anak. Nagpasalamat naman siya kina Lian at sa kasalukuyan nitong karelasyon sa maayos na pagpapalaki kina Xalene at Xonia.