Masayang-masaya ngayon ang Kapamilya star na si Janine Gutierrez dahil nakatrabaho niya ang batikang aktres na si Dolly De Leon sa teleseryeng "Dirty Linen." 

"Mami ko!!!!!!! Igaganti kita 😡😡😡 So happy to work with you Miss @dollyedeleon!!!!" saad ni Janine sa caption.

"I'm a fan 4ever and I will always treasure this little talk. Thank you thank youuuu," dagdag pa niya. 

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa comment section naman, nagkomento ang batikang aktres na tila dagdag kilig kay Janine, "I support you, anak. Obosen ang mga Fiero na yan! 😉 Always have been and always will be a huge fan of yours.♥️ Mutual admiration club ito😬"

"Screaming crying 🥹🥹 means everything to me!!! thank you miss dolly! And, YES CAPTAIN!!!!! 🫡🫡" reply naman ni Janine.

Kasalukuyang napapanood ngayon sina Janine at Dolly sa bagong teleserye ng ABS-CBN na "Dirty Linen."

Kamakailan, naiuwi ni Dolly ang best actress in a supporting role award sa Guldbagge Awards na ginanap sa Cirkus sa Stockholm, Sweden para sa kanyang pagganap bilang Abigail sa pelikulang “Triangle of Sadness."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/24/dolly-de-leon-panalo-bilang-best-supporting-actress-sa-sweden/