Pinag-uusapan ngayon ang bagong teleserye ng ABS-CBN na "Dirty Linen" sa social media dahil sa world-class production nito, at talaga nang puro positibo at magagandang feedback ang natatanggap nito simula sa pilot episode noong Lunes, Enero 23.

At isa nga sa cast members nito ang dating child star na si Xyriel Manabat, na kinabiliban ang pakikipagsabayan kina Coney Reyes at Jodi Sta. Maria sa aktingan, sa seryeng "100 Days to Heaven."

Saglit siyang nawala sa limelight at muling nagbalik noong 2017 bilang batang Lily Cruz/Ivy Aguas sa revenge-themed series din na "Wildflower" na pinagbidahan naman ni Maja Salvador.

At ngayong 2023, nagbabalik-teleserye si Xyriel kasama ng mga kaedad niyang sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Dating child star na si Xyriel Manabat, 'patola' sa basher na sinabihan siyang 'malandi'

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizen ang TikTok video nila ni Francine kung saan marami ang nagulat at hindi makapaniwalang malaki na siya.

Ang naaalala raw kasi ng mga tao ay ang batang "Ana Manalastas."

Ginaya nina Francine at Xyriel ang viral video nina ABS-CBN news anchor Karen Davila at The Voice Kids Season 1 grand winner-singer Lyca Gairanod noong napag-alaman nilang magka-birthday sila.

"Birthday gorls! @Xyriel Manabat Friends muna si Chiara and Tonet for todays video HAHAHAHA," saad sa caption ni Francine sa kanilang TikTok.

Narito naman ang mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Facts: Same Date and Year sila. January 27, 2004. Happy Birthday sa inyong dalawa. More blessings! Birthday din ni Niana today hehe."

"Happy birthday chinny and Xy more blessings to come kudos to both of your characters in Dirty Linen!"

"My God ang laki-laki na ni Xyriel!"

"Grabe ka na Xyriel!"

Subalit may ilang netizens, ibang "malaki" naman ang napansin sa teen star. Kakaloka!

"Jusko mag-donate ka naman, Xyriel!"

"Sayo lahat yan ante? Pengee kameee…"

"Prayer reveal naman po!"

"Magdonate ka naman Xyriel oh…"

"Grabe ka na Xyriel! Penge naman!"

Sa mga nagdaang post ay game na sinagot ni Xyriel ang pamumunang ito sa kaniya ng netizens.