Ibinahagi ng beauty queen-reporter na si Ganiel Krishnan sa kaniyang Twitter account ang nakakatawang usapan nila ng isang food delivery rider. 

https://twitter.com/KrishnanGaniel/status/1618500757489344512?t=Fz2JYKiQyLwM_Txf77xYwQ&s=19

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA

Mababasa sa kanilang convo na sinabi ng rider sa kaniya: “I fertilized 2405, ma’am”.

Pagkatapos ay sinabi rin sa kaniya na nakarating na ang rider sa kaniyang destinasyon. "I’m out here, ma’am,” ani rider. Nagreply naman si Ganiel ng “Okay po.”

“Ma’am, you will pay only 2405. The vendor says you will be refunded. I fertilized.”

Sinubukan umano ni Ganiel na maunawaan kung ano ang sinusubukang sabihin ng rider sa pag-deliver ng pagkain, "Pinilit ko intindihin si kuya foodpanda driver.

Nang mapagtanto ay nalaman niya ang ibig sabihin ng rider na, "Nag abono pala siya. Fertilize nga naman," pabirong ani Ganiel.

Kalaunan ay sinabi ni Ganiel na ang texting app na ginagamit ng delivery rider ay may auto translate, kaya kahit na inilagay niya ang tagalog term na gustong sabihin na binayaran na ng rider ang order, automatiko itong isinasalin ito ng app bilang "fertilize."

Marami ang naaliw sa usapan ng beauty queen at ng delivery rider na umabot na sa mahigit 1.4M reaksiyon ang tweet.