Ang pagliban sa klase ng isang mag-aaral ay nagiging valid kung magbibigay siya ng "excuse letter" sa guro. Ang excuse letter ay maikakategoryang isinusulat sa pormal na paraan lalo't ibibigay at babasahin ito ng guro upang malaman ang dahilan ng pagliban o pag-absent sa klase, at kung valid naman, maaaring mapagbigyang magpasa pa ng requirements o kumuha ng pagsusulit, kung nakaligtaan ito sa araw ng pagliban.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizen ang isang excuse letter ng estudyanteng nagngangalang "Richard" matapos niyang ipaliwanag ang dahilan ng kaniyang pagliban sa guro.

Ang nakatutuwa kasi, ginuhitan niya ito ng pribadong bahagi ng lalaki, na may isang malaking "itlog." Batay sa liham ay may iniindang sakit ang naturang estudyante sa bahaging iyon.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Larawan mula sa FB page na "Davao Street Scene"

Isa pang mapapansin, gumamit ng balbal na salitang "forda ferson" ang estudyante.