Kumakalat sa social media ang video mula sa kaarawan ng beteranang aktres na Dina Bonnevie, kung saan tila may pasaring ito sa TV host-vlogger na si Alex Gonzaga kaugnay sa isyu ng pamamahid nito ng icing ng cake sa waiter na si Allan Crisostomo kamakailan.

Sa isang TikTok video ng celebrity make-up artist na si Astrud Gil S. Lontoc (astrudtv), makikitang hawak ng isang waiter ang birthday cake ni Bonnevie at bago siya mag-blow ng kanyang birthday candles, sinabi niya na “Hindi kita papahiran ng cake, magpapasalamat ako sa’yo.”

“Cakes are to be eaten and not to be pasted on other people’s faces.”

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Hayan naman ang paalala niya habang hawak ng isa pang waitress ang pangalawa niyang birthday cake na siya namang kinagiliwan ng kanyang mga bisita. Pabiro pang sinabi ni Bonnevie na i-upload na ang video na siyang kumakalat ngayon.

Sa mga pahayag ng aktres, tila kinumpirma na nito ang pa-blind item niya sa isang panayam noong 2018 tungkol sa paging unprofessional ng noon ay isang baguhang aktres na naka-trabaho niya.

“I gave her hell. Talagang sinabihan ko siya: ‘Who do you think you are? Are you famous? Who are you? What name have you made? Have you carved your name in stone in showbiz?’ Your call time is at 9 o’clock and you come down from your van at 12 o’clock na naka-pajama? Really? If you want to continue taping this soap like this, do it yourself,” aniya.

Bagama’t walang binanggit na pangalan, umugong muli ang di umano’y alitan ng dalawa matapos naman ibahagi ng nakababatang Gonzaga sa kanyang “Ano na Catherine?” podcast Nobyembre noong nakaraang taon ang kanyang traumatizing na karanasan mula sa isang artistang matanda.

“So there was a time, when I was in my 20s, I was so traumatized. Pinagsisigawan ako ng isang artistang matanda. Pinagsisigawan niya talaga ako from head to foot, everything, kasi akala niya galing ako sa bahay. Late lang ako. hindi niya alam na galing ako sa work kasi siguro hindi sinabi sa kanya,” kwento ni Alex.

Sa nasabing podcast, inilahad pa ni Alex na hanggang sa ngayon, masama pa rin ang tingin sa kanya ng nasabing matandang artista.

“‘Di ba may mga ganoon? May mga tao na who did you wrong, or who traumatized you, and then you don’t even talk about it. Parang you would just let it be. And then ‘pag sila pa ang nag-kuwento, sila pa yung mabait. Ikaw pa yung masama na parang ibang-iba na yung kwento. So naisip ko, anong kailangan kong gawin kapag ganoon? And then ang daming umagree… Wala. Kasi alam ko naman yung katotohanan eh,” dagdag pa niya.

Hindi rin nagbitaw ng pangalan si Alex sa kanyang mga naging pahayag ngunit tila kumbinsido ang netizens na ang dalawa ang tinutukoy ng isa’t-isa sa kani-kanilang kwento.

Matatandaang nagkasama sina Alex Gonzaga at Dina Bonnevie sa teleseryeng “P.S. I Love You” na umere sa TV 5 taong 2011.