Ito ang viral na rebelasyon ng isang content creator kamakailan matapos aminin sa publiko sa kauna-unahang pagkakataon na ang kaniyang mister ay sarili niya pa lang pinsan! Paano nangyari ang lahat?

Sa pagbabahagi ni Marcella Hill na ngayo’y happily married kay Tage sa loob ng 12 taon, isang hindi inaasahang rebelasyon ang natuklasan nila nang magbuntis siya sa kanilang unang supling.

Parehong divorced nang magkatagpo, ang Utah couple sa Amerika ay kalauna’y nagpasyang magpakasal.

Hanggang sa isang malaking rebelasyon ang nadiskubre ng mag-asawa nang magbuntis si Marcella.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa hangaring mabigyan ng pangalan ang anak gamit ang pinagsamang pangalan ng kanilang lolo at lola, isang supresang rebelasyon ang sa halip na nadiskubre ng mag-asawa.

"Husband was next to me on his own FamilySearch and he was like, 'Oh that is funny, we have the same grandma and grandpa's names,'" pagbabalik-tanaw ni Marcella sa ngayo’y viral TikTok video kamakailan.

"Then we start looking at it and we realize my grandpa is his grandma's first cousin," dagdag ng misis.

Agad naman nilang nakumpirma sa kanilang sariling lolo at lola na talaga ngang magkaanak sila.

"Sure enough, sure do. They lived together when they were growing up as children,” ani Marcella na sinabing third cousins sila ni Tage.

Paano nangyari ang lahat?

Sa sumunod na paliwanag ni Marcella sa hiwalay na TikTok video, napag-alamang isang intimate wedding at mabibilang lang sa kanilang parehong pamilya ang dumalo sa kanilang kasal sa huwes.

"We got married at a courthouse after work on a Wednesday," ani Marcella.

Sa ngayon, walong taong-gulang na ang panganay ng mga Hill na isinunod nila ang pangalan sa kanilang great-grandmother.