Masaya umano si Kapuso star Barbie Forteza sa mainit na pagtanggap ng mga manonood at tagasubaybay ng kanilang tambalan ni David Licauco sa hit fantasy-dramang "Maria Clara at Ibarra" sa GMA Network, na pinangalanan ngang "FiLay" o Fidel-Klay, hango sa kani-kanilang mga karakter.

Pero ayon kay Barbie, kahit na marami na siyang naging leading men at ang latest nga ay si David, ang puso pa rin niya ay para sa jowang si Kapuso actor Jak Roberto.

Halos lahat naman daw ng naging leading men niya ay naging kaibigan niya matapos ang kanilang proyekto.

“Aside from David, I’ve been paired with other GMA leading men na naging kaibigan ko rin naman talaga. I cherish my friendships with them and so sabi ko nga kahit napaka-unexpected ng success ng FiLay, hindi ko naman makakalimutan yung lalaking nagpasaya sa akin for the past five years and still counting," ani Barbie, sa naganap na media conference sa isang product endorsement.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Yung lalaking kasama ko noong pandemic na natatakbuhan ko ng personal struggles ko. The one who I share my victories and struggles with. Kumbaga in-accept niya ako ng buong-buo and ganun din ako sa kaniya."

"Hindi ko naman makakalimutan yun because of FiLay,” paliwanag pa ni Barbie.

May mga nagshi-ship na kasi kina Barbie at David kahit alam nilang may "BarJak" o karelasyon na ang aktres.

Kinakikiligan din ang lambingan ng dalawa sa Twitter, in character nga lang.

Sa kabilang banda, patuloy na nagpapasalamat si Barbie sa success na tinatamasa ngayon hindi lamang ng FiLay kundi maging ng MCI. Isa ito sa mga masasabing pinakamatagumpay at pinakamarkadong serye ng Kapuso Network.

"But then I’m so grateful for this blessing and success with David right now. We’ve very good friends and to be honest, dito lang kami sa Maria Clara at Ibarra naging close dahil pareho kaming introvert. Nagpapasalamat ako dahil sa FiLay, I gained a new friend. Ang dami kong natututunan sa kaniya in terms of business.”