Nanawagan ang Malacañang na samantalahin ang natitira pang apat na araw na pagpaparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Inilabas ng Presidential Communications Office ang apela dahil hanggang Enero 31, 2023 na lamang ang regular na voter registration para sa halalan sa Oktubre 2023.

Pagbibigay-diin ng Malacañang, ito na ang huling pagkakataon upang maging botante na pipili ng mga susunod na hanay ng mga mamumuno sa komunidad.

Maaaring magparehistro sa mga opisina ng Election Officer o satellite registration sites, at piling malls sa bansa mula Lunes hanggang Sabado, simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG