Tatlong dekada nang ginagamit ng Philippine Air Force (PAF) angSIAI-Marchetti SF260-TP training aircraftnito na bumagsak sa isang palayan sa Pilar, Bataan nitong Miyerkules na ikinasawi ng dalawang piloto.

Ito ang isinapubliko niPAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo nitong Biyernes at sinabing sa kabila nito, nasa maayos umano ang kondisyon ng Italian light aircraft.

“We have very competent maintenance crew maintaining the aircraft. We have very competent pilots flying the aircraft. Kahit medyo may edad na ang aircraft na ito, they are still being used and naging very effective sila sa ating air operations, lalo for internal security operations and counterterrorism,” sabi ni Castillo sa isang television interview nitong Biyernes.

Gayunman, ipinaliwanag ni Castillo na walang ejection system ang eroplano kahit mayroong magagamit na parachute ang dalawang pilotong sinaCapt. Ian Gerru Casiños Pasinos, at Capt. Jhon Paulo Ong Aviso sakaling magkaroon ng emergency..

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Batanes, Signal No. 4 pa rin

“Pero ang SOP [standard operating procedure] kasi natin is to lead the aircraft to a safe and clear landing zone bago mag-last resort na mag-eject," aniya.

Sa paunang imbestigasyon, nag-takeoff ang eroplano saMajor Danilo Atienza Air Base sa Sangley Point, Cavite ay matapos ang 30 minuto ay hindi na ito ma-contact ng PAF.

Nilinaw din nito na tatlo pa ang natitirang SF260-TP training plane na hindi na muna pinagagamit dahil na rin sa insidente.

Patuloy pa rin aniya ang kanilang imbestigasyon upang madetermina ang sanhi ng insidente.