Tila ipinagtanggol muli ni Manay Lolit Solis si Senador Bong Revilla mula sa bashers na nagsasalita umano ng mga bagay na hindi maganda laban sa senador.

"Natatawa ako kung minsan Salve pag may mga tao na nagsasalita ng mga bagay na hindi maganda against Bong Revilla. Iyon bang parang kay Bong ang responsibilidad ng mga hindi nangyaring mabuti sa buhay nila," sey ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Enero 26.

Dagdag pa ni Manay, may kakayahan naman daw talagang tumulong ang senador ngunit hindi umano nito kayang tulungan ang lahat.

"Totoo na isang Senador si Bong na may kakayahan tumulong, pero hindi naman siguro buong bansa responsibilidad niya. Iyon marami siyang natulungan, pero aminado na marami din siguro na hindi nakatikim ng tulong niya.Imposible na lahat mapagbigyan mo. Kahit Presidente hindi kayang gawin iyon," aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Lahat naman daw ng paraan ay ginagawa na umano ni Revilla para makatulong.

"Lahat pinipilit niyang magawan ng paraan. Lahat gusto niyang ayusin. Pero hindi niya magagawa kung mag isa lang siya. Hindi siya ang dapat inaasahan gumawa," ani Lolit.

"Isa na siguro si Bong Revilla sa pinaka mabait at trustworthy na tao na nakilala ko. Isa na siya sa meron malambot na puso pagdating sa pagtulong. Kaya alam ko na kung puwede niya gawin para makatulong gagawin niya. Kay Bong Revilla hindi masasayang ang tiwala mo dahil sure na hindi niya iyon sasayangin," pagtatanggol pa nito.

"Kaya naman kahit ano pa ang pasukin niya nagtatagumpay siya, dahil nga malinis ang puso niya, mabuti ang kalooban niya. Saludo ako pagdating sa kabaitan kay Bong Revilla. Trust me, Bong is one of the best official that we have. Talagang ginagawa niya ang trabaho niya. Hindi pakitang tao lang."