Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang lalaking Amerikano matapos masiraan ang sinasakyang yate sa Pacific Ocean malapit sa General Luna, Surigao de Norte nitong Miyerkules.

Sa pahayag ni PCG Commandant, Admiral Artemio Abu, nagresponde lamang ang mga tauhan nito matapos matanggap ang impormasyon mula sa U.S. Coast Guard Sector-Guam na isangsasakyang pandagat ang nasiraan 140 nautical miles pa mula Daku Island, General Luna, nitong Enero 22.

Binanggit sa report na nasira ang propeller ng yateng "Mi Amor" habang naglalayag sakay siDan Michaels mula Palau patungong Pilipinas.

"We assured the U.S. Coast Guard Sector-Guam that we will render appropriate assistance to Mr. Michaels and ensure that he will return home in good physical condition," lahad ni Abu.

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Kabilang sa nagresponde sa lugar ang BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Panglao at BRP Cabra.

Hinatak ang nasirang yate patungo sa kalapit na Alegria, Santa Monica, Surigao del Norte kung saan ito kinumpini.