Sa isang Instagram post, binati ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang kaniyang ina sa 90th birth anniversary nito. Bukod dito, ibinahagi rin niya ang pakikipaglaban niya sa apat na autoimmune disease.

Sa naturang post, ibinahagi ni Kris ang isang 9-minute video na naglalaman ng throwback photos nila ng kaniyang ina na si Cory Aquino. Kasunod din nito ang mga picture niya na kung saan makikita ang pakikipaglaban niya sa autoimmune diseases.

"Dear Mom, Happy 90th birthday in heaven. I prayed about my decision on whether to show everyone what it's been like-- because you never wanted anybody to know how difficult it was for you," saad ni Kris.

Naaawa rin daw siya sa kaniyang ate na nahihirapan na rin umanong mag-explain kung bakit pa siya nasa Amerika. Gayunman, kaya raw niya ipinost ang video para maging update na rin sa mga taong nananalangin para sa kanila. 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dito na rin ipinaliwanag ni Kris ang detalye tungkol sa kaniyang sakit. Naniniwala naman ang aktres na kahit hindi na niya ipaliwanag ay nakikita naman daw siya ng kaniyang ina sa langit.

Samantala, sinabi ng aktres na bibisita sila sa "Happiest Place on Earth" dahil iyon daw ang pangako niya sa kaniyang anak na si Josh.

"My promise for kuya timed for your birthday. I really pray kayanin ko even just 5 rides so kuya will have happy memories during this whole ordeal. It’s because of the example you set that even when my deep bone pain is awful or my vascular urticaria is everywhere – I don’t complain. I want kuya and Bimb to see they are worth all the pain and discomfort because I know they still need me,” pahayag niya.

"And I always say I had THE BEST ROLE MODEL IN THE WORLD! I'm forever going to be proud to be Cory's baby, and the mama of Kuya Josh and Bimb," dagdag pa niya.

Sa dulong bahagi ng kaniyang post, narealize ni Kris na hindi na niya kailangan ng isang tao na kukumpleto sa buhay niya-- dahil alam na niya ang "worth" niya.

“You told me many times, I’ll only have a successful relationship if I find your male version… but with all I’ve been through I finally see so much of you in me – what I’m trying to say Mom is I’m no longer looking for someone to complete me. Finally realized the truth in what you’d always say to me: ‘Kristina, know your worth.’ Yes MOM I do."