Kamakailan lamang ay nagbahagi ang aktor sa kaniyang Instagram account ng mensahe at video para sa kaniyang asawang si Rikkah Cruz sa ika-29 na kaarawan nitong Enero 25.

Makikita sa nasabing video na post ni JC, nagulat si Rikkag matapos surprisahin ng birthday cake kasabay nito ay nagsulat din ng sweet messages ang aktor.

Sa caption ng kaniyang post, araw-araw ay nagpapasalamat si JC sa Diyos sa ipinagkaloob nitong partner sa kaniyang buhay. Ipinahayag ng aktor ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang asawa.

“I thank God everyday for giving me the right partner in life, I will always choose you. In a heartbeat. Happy birthday my love.”

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Matatandaang kamakailan lang din nang inanunsyo ni JC at ng kaniyang asawa na inaasahan nila ang kanilang pangalawang anak sa pamamagitan ng pagpost ng isang video ng kanilang gender reveal party kung saan sinabi nila na umaasa sila ng isa pang baby girl.