Ipinakita na ni Whamos Cruz sa publiko ang mukha ng panganay nilang anak ni Antonette Gail na si Adriel Meteor.

Sa isang mini vlog sa inupload ni Whamos sa Facebook, mapapanood ang face reveal ng kaniyang anak.Makikita ang mestisong mukha ng anak na tila kamukha ni Antonette.

Matatandaan na sinabi noon ni Whamos na sana raw ay hindi niya maging kamukha ang anak nila.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/06/27/whamos-cruz-ayaw-paglihian-ni-antonette-ang-kaniyang-mukha-online-personality-may-solusyon/

Eleksyon

Liza Maza, inendorso ng alkalde ng Malolos: ‘Para sa makabayan, makakalikasang kaunlaran!’

Mapapanood din sa mini vlog ang unang pagkarga niya kay Baby Meteor at maging ang unang pagpupuyat nila ng kaniyang partner sa pag-aalaga sa panganay nila.

Masayang-masaya naman si Whamos at ineenjoy ang pagiging tatay niya.

Samantala, gumawa rin sina Whamos at Antonette ng Facebook page ng kanilang anak. Umabot na agad sa mahigit 425K ang followers ng naturang page.