Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na si Abi Gail tampok ang larawan ng kaniyang shih tzu dog na mukha umanong bulldog. 

“‘Yung bulldog ka noong past life mo tas shih tzu ka na ngayon #girly,” caption ng nasabing post.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Abi Gail na siyam na taong gulang na ang malambing na aso niyang si Pudsey.

“Sakang po kasi siya kaya malaki ‘yung appearance ng katawan niya, parang bulldog,” natatawang kuwento niya.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Ibinahagi raw ni Abi Gail ang mga larawan ng kaniyang aso sa isang Facebook group na “Dog lovers Philippines” dahil sa natutuwa raw ito tuwing nakikita niya ang alaga, at hindi naman daw niya inasahang magva-viral ito.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 13,000 reactions, 1,400 comments, at 3,200 shares ang naturang post.

Komento ng netizens sa cute na cute na mga larawan ni Pudsey:

“Fluffy na fluffyyy🥲

“Halaaaa ang cute. Siga lang. 🤣😁

“Hindi nangangagat pero nanununtok.🤣

“Minsan shih tzu, minsan bulldog.

“Pinagsama na.😭