Napa-sana all na lang ang mga netizen matapos bigyan ni Rosmar Tan ng 'pinakamahal' na motor ang kaniyang mister na si Jerome.

Kuwento ni Rosmar sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Enero 26, every time raw na nakakakita ng big bike sa daan ang mister, natutulala raw ito kakatingin. 

"Everytime na nakakakita siya ng BIG BIKE sa daan, palagi nalang syang nakatulala, at nakatingin. May pag sigaw pa ng wooowwww! Ninja 400, wow big bike etc.," ani Rosmar.

"Kaya kahit hindi sya nag papabili, naisipan ko mag inquire sa DUCATI MANILA at ibili sya ng BIG BIKE. actually di ko sya pinag momotor, kasi takot ako. Pero ngayon pag bibigyan kita per display lang ha? HAHAHA," aniya pa.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Fully paid umano binayaran ni Rosmar ang Ducati Panigale V4 SP2 2023 na isa umano sa pinakamahal na motor sa bansa.

Ang naturang motor ay umaabot sa halagang P2 milyon hanggang P3 milyon.

"Ayan ha? No MORE SANA OL KA NA! SILA NA ANG MAG SASANA OL SAYO," sey pa ni Rosmar.

Sa hiwalay na Facebook post, tila hindi pa rin makapaniwala ang mister. Akala kasi nito pina-prank lamang siya ng asawa.