Marami ang curious ngayon kung sino na nga ba ang bagong pag-ibig ng ex-partner ni Kapuso comedy star Pokwang, matapos niyang sabihing may "nilalandi" nang iba ang American actor.

Sinabi ito ni Pokwang nang magkomento ang co-host ng "TikToClock" na si Kuya Kim Atienza na gusto nitong bumili sa kaniya ng 'PokLee," ang gourmet business nilang dalawa.

Sey ni Pokie, "Wala na po (tawa), may nilalandi na siya (tawa) hindi nag-effort na lunukin ang pride chicken para kay tisay," ani Pokwang.

Ipinagpalit na ni Papang? Pokwang, may pilyang hirit ukol sa ex: ‘Akala ko ba ako na ang chaka?’

Screengrab mula sa IG ni Pokwang

Matatandaang nagparinig din si Pokwang sa IG na kesyo ang pinalit daw sa kaniya ay mas "chaka" pa sa kaniya, na bagama't walang tinukoy na pangalan, ay inisip ng mga netizen na pumapatungkol kay O'Brian.