Usap-usapan ngayon sa TikTok ang viral video ng isang tindero ng mango-flavored ice candy mula sa Visayas dahil sa almost perfect niyang pagsasalita ng wikang Ingles, at take note, British accent pa!

Galing ang video mula sa netizen na may TikTok account name na "Glynis Mark" kung saan tila mano-nose bleed siya sa alok na panindang ice candy ng naturang tindero. Ibinahagi naman ito ng iba't ibang TikTok users sa kanilang sariling account.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Narito naman ang reaksiyon at komento ng mga netizen:

"Mag ice water na lang muna ako pag ganito ang nag titinda hahaha. Ice candy kayo dyan mga mem and ser."

"Ito yung nakita ko sa interview sa YouTube na wala raw siyang pinag-aralan pero nag-aral siya through search only… galing amazing accent."

"Ayoko na nga bumili ng ice candy, mag-tubig na lang ako hahaha."

"Parang nakaka-intimidate naman bumili ng ice candy hahaha."