Game na game sa pagsagot si Kapamilya TV host-actor Luis Manzano sa mga netizen na nagtatanong kung bakit ayaw pa nilang ipakita sa social media ang mukha ng kanilang first born baby nila ng misis na si Jessy Mendiola.

Isang netizen kasi ang nagkomentong tila ang dami nilang arte ni Jessy at tinatakpan pa ang mukha ni "Baby Peanut" kapag ipinakikita ito sa kani-kanilang social media accounts.

Nagkomento ang netizen sa video ni Luis kung saan ibinida niya ang "sosyal" nilang kagamitang ginagamit sa paglalaba ng mga gamit ni Baby Peanut.

Luis Manzano, binasag ang basher na umokray sa baby nila ni Jessy Mendiola

"Ewan ko sa inyo, mukha kayong ewan, ayaw pa niyang ipakita ang baby n'yo," komento ng isang netizen.

Kuwelang sagot ni Luis, "Kayo po ba magpapadede?"

Screengrab mula sa FB/Luis Manzano

Hindi ito ang unang beses na sinagot ni Luis ang isang basher.

Matatandaang pinalagan ni Luis ang isang netizen na tumawag na "pisot" sa mukha ng kaniyang anak, kaya ayaw pa nilang ipakita sa publiko.

“Bakit di mo pinakikita mukha ng anak mo pisot ba 'yan? Dami nyo arte [laughing emojis] by the way congrats na lang sa inyo Lucky Manzano," anang basher.

Buwelta naman ni Luis, "“Kayo nga po pinagisa n'yo pisngi, leeg, at baba n'yo di namin po kayo pinapakialaman."

Anyway, abangan ang muling pagbabalik-hosting ni Luis sa panibagong season ng "I Can See Your Voice" sa Sabado at Linggo sa Kapamilya Network.