"Siya pala 'yon?"

Laking gulat ng netizens sa ibinahaging TikTok video ng “Dental Diva” na si Kakai Bautista, kung saan inawit nito ang theme song ng drama anthology na "Maynila."

Sa nasabing video, sinabi na Kakai na nais niyang ipakita kung “original” pa rin ang boses niya malipas ang higit dalawampung taon, na siya ring request ng kaniyang followers.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad namang nag-trending ang TikTok ni Kakai dahil marami ang ngayon lang nalaman na si Kakai pala ang boses sa likod ng iconic theme song kasabay ang pagka-miss ng iilan sa nasabing programa na siyang unang umere sa GMA 7 taong 1999.

https://twitter.com/merrcrisostomo/status/1618160486805286912?s=46&t=G6yu_5Hutf1QfeUh7Amwsw

“OMG! Ikaw pala yun Miss @Kakai Bautista after 20 years, ngayon ko lang nalaman. Ang galiiing!,” ayon sa TikTok user na si Gail.

Saad naman ng netizen na si Lenlenlen, “Binuhay mo yung childhood memory kooo."

Screengrab mula sa Twitter

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 2 million views ang video ng singer-comedienne at patuloy na pinag-uusapan ang nakamamanghang rebelasyon na ito ni Kakai sa social media.