Nagsalita na si Dani Barretto kaugnay ng isyung sumabog hinggil sa pamamahid ng icing ni Alex Gonzaga sa noo ni Allan Crisostomo, ang waiter na naghawak ng kaniyang cake para sa kaniyang birthday party.

Ayon sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN, wala aniya siyang intensyong manakit ng kahit na sino.

Nagsisisi umano siya kung bakit niya inupload ang naturang video, na pinutakti naman ng mga netizen na hindi nagustuhan ang ginawa ni Alex.

Humantong pa nga ito sa paghingi ng paumanhin ni Alex sa publiko, matapos aniyang makipag-usap nang masinsinan sa waiter.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Ang waiter naman ay naglabas ng statement letter na pirmado niya. Nakasaad dito na okay na sila ni Alex.

“Regrets? Of course, of course… I do have regrets because nakasakit ako ng tao. Siyempre, wala po sa intensyon ko ang makasakit lalo na po on her birthday. Siguro 'yon ang pinakamabigat para sa akin, na nakasimula ako ng isang bagay na hindi ko naman ginusto…. kasi very important sa amin yung mga Gonzaga. They are very loving to our family," paliwanag ni Dani.

Nilinaw rin ni Dani na nagkausap na sila ni Alex matapos ngang pumutok ang isyu. Kaya raw hindi nagsasalita si Dani, ayaw na niyang palakihin at sumawsaw pa. Ang mahalaga raw ay humingi na siya ng pasensya sa mga dapat niyang hingan ng pasensya.