Naging bukas at tapat si Kapuso star Bea Alonzo kay King of Talk Boy Abunda na sumama ang loob niya rito matapos ang naging panayam niya kay Kapamilya actor Gerald Anderson noong 2021.

Pangatlong guest ni Boy sa kaniyang "Fast Talk with Boy Abunda" si Bea matapos ang pilot episode nito noong Enero 23, kung saan si GMA Primetime Queen Marian Rivera naman ang naging buena mano.

Aminado si Bea na iniyakan daw niya ang naturang panayam dahil inisip daw ng tinaguriang "Movie Queen" kung kinonsidera daw ng King of Talk ang kaniyang damdamin nang gawin ang naturang panayam kay Gerald.

Sa huli, humingi naman ng paumanhin si Boy kay Bea dahil sa mga nangyari.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa kasi sa mga naungkat sa naging panayam ni Boy kay Gerald ay ang hiwalayan nila ni Bea.

Ayon kay Bea, marami raw sa mga sinabi ni Gerald ay walang katotohanan.

Nang matanong naman kung kaya ba niyang maging kaibigan si Gerald, mariing sinabi ni Bea na hindi. Hindi raw niya kayang maging kaibigan ang isang taong wala siyang tiwala.