Marami ang humanga sa taglay na kagandahan at kaseksihan pa rin ni Kapamilya star Iza Calzado-Wintle matapos niyang ibida ang kaniyang baby bump, sa kaniyang maternity shoot.

"She’s giving Sang'gre vibes," saad ni Iza sa caption ng Instagram post.

View this post on Instagram

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"Much love and thanks to the team behind this shoot!"

Sa isa pang Instagram post, humihingi ng panalangin si Iza sa kaniyang followers para sa nalalapit na kabanata ng kaniyang pagbubuntis---ang kaniyang panganganak!

"We humbly ask for love and prayers as we enter this new chapter of our lives. Will be taking a short social media break as I go through matrescence and experience its joys and challenges," ani Iza.

"We are so excited to meet you and hug you, little one! You are so loved!" aniya pa.

Ikinasal sa Coron, Palawan sina Iza at ang mister na si Ben Wintle noong Disyembre 2021.