Matapos ang anunsyo sa naganap na ABS-CBN Christmas Special sa pelikulang pagtatambalan ng “drama powerhouse” na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon, naglabas ang Black Sheep Productions sa kanilang social media accounts ng panibagong patikim para sa pelikulang “Love on a Budget.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tila magiging kapana-panabik ang tema at linyahan sa pelikula na sinasabing tatalakay sa mga problemang pinansyal habang nasa isang relasyon.

Makikita ang mga katagang “Ay shet, ‘Di ko afford” kasama ang imahe ng isang hugis puso na sibuyas na nagpapahiwatig naman sa posibleng pagmamahalan ng mga karakter nila Carlo at Charlie.

Kamakailan ay inamin ni Carlo na nasa “getting-to-know” stage na ang dalawa matapos sila maispatan sa La Union kung saan sila nag-celebrate ng New Year kasama ang pamilya ng aktor.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/06/confirmed-carlo-aquino-charlie-dizon-nasa-dating-stage-na/

Ito ang unang pelikula ng tambalan matapos ang una nilang pagsasama sa teleseryeng “A Soldier’s Heart” taong 2020. Ang Gawad Urian nominee na sa Dwein Baltazar ang tatayong direktor sa nasabing pelikula na ipalalabas sa mga sinehan ngayong taon.