Binasag na ni Alden Richards ang kaniyang katahimikan patungkol sa isyung ikinasal at nagkaroon sila ng anak ni Maine Mendoza, na kaniyang katambal sa phenomenal love team nila noon na "AlDub.”

Sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” na umer kahapon ng Miyerkules, Enero 25, iginiit ni Alden na bagama’t magkaiba ang landas na tinahak nila ni Maine ngayon ay nananatili pa rin silang magkaibigan.

"But right now po kasi, kami ni Maine ngayon we're at a point na we're not getting any younger, and we've already made our, of course, personal choices. We're very good friends up to this point."

Kasabay nito ang paglinaw ni Alden sa espekulasyon ng ilang “AlDub” fans na nagpakasal sila ni Maine, at nagkaroon sila ng anak.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

"Wala po, wala po," mariing sagot ng Asia's Multimedia Star.

Matatandaang pumatok ang love team nina Alden at Maine na AlDub, na nagsimula sa Kalyeserye ng GMA noontime show na "Eat Bulaga."

Alden Richards at Maine Mendoza (Screengrab mula sa Twitter)

Napag-usapan din ang pahayag ni Alden sa isang press conference Nobyembre noong nakaraang taon sa Cebu na "Nobody controls my life. Walang nagdidikta. I make my own choices, I make my own decisions."

"I started being a public figure when I started in the industry. As I grow older may nakikita po akong cycle na 'pag celebrity ka, you always cater to what people want, of course especially lahat ng feedback sa’yo, pinakikinggan mo to appease them, para maibigay mo 'yung gusto nila," lahad ni Alden.

Inamin din ng Kapuso actor na napagod din siya sa mga patuloy na hinihingi ng ilang tao sa kaniya.

"At a certain point, medyo nakapapagod din pala siya. Dumating po ako sa point na, when I was really burned out with all of these demands and things that people want from me, when I stepped out (and) looked (at the) bigger picture, wala na po akong identity. Parang, nasaan na 'yung pagkatao ko? Lagi na lang ba akong susunod sa ibang tao, sa gusto ng mga tao na makita sa akin. Napagod lang po ako sa point na 'yun."

"I wanted to be firm. Hindi po ako galit when I said that. I just wanted to be firm with the current state of mind that I have," dagdag pa niya.

Si Alden ang ikatlong panauhin sa bagong talk show ni Boy Abunda na mapapanood tuwing hapon sa GMA Network.