Hello, Baby Meteor! 

Nanganak na ang online personality na si Antonette Gail sa panganay nila ni Whamos Cruz.

Nag-upload ng video si Whamos sa kaniyang Facebook page nitong Martes, Enero 24, kung saan mapapanood ang paglalabor ni Antonette hanggang sa makita niya ang anak na si Adriel Meteor. 

Hindi rin maitago ni Whamos ang kaniyang excitement at the same time ang kaba habang naghihintay sa kaniyang mag-ina. 

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Samantala, nag-upload din si Antonette sa kaniyang Facebook page ng isa pang update kung saan makikita na alagang-alaga siya ni Whamos. 

Mapapanood din sa video na tila nagpapaka-tatay na ang kaniyang partner. 

Congratulations, Whamos and Antonette!