Sa pangalawang pagkakataon ay nakasama ng TV personality na si Raymond Gutierrez sa kaniyang kaarawan ang kaniyang foreigner boyfriend na si Robert William.

Makikitang magkasama sila sa Paris ni William, sa pagdiriwang ng kaniyang 39th birthday.

"We had our first date on my birthday last year and spending it with you again this year in Paris has been truly special. Thank you @rob.williamm," caption ni Raymond.

Isinilang si Raymond noong Enero 21, 1984.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa comment section ay makikitang nagbigay ng reaksiyon dito ang kambal ni Mond na si Richard Gutierrez.

"Enjoyy!" pahayag naman ng ate nilang si Ruffa Gutierrez.

Noong Hunyo 25, 2022, flinex ni Raymond ang kanilang relasyon ni Robert sa Instagram.

“Celebrate your love! Happy Pride, Philippines,” saad niya sa caption ng kaniyang IG post.