Kamakailan lamang ibinalita ng Miss Universe Philippines 2017 titleholder Rachel Peters at ng kaniyang asawang si Migz Villafuerte sa social media na sila ay may inaasahang pangalawang anak.

Makikita sa post ni Rachel ang larawan ng kaniyang pamilya habang buhat ni Migz ang kanilang panganay at hinahalikan ang tiyan ng kaniyang ina.

"Been baking a little bun. Can't believe we're a family of four!" caption ni Rachel sa kaniyang post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang noong Oktubre 2021 ipinanganak ang kanilang panganay na si Kaia Rose.

Binati rin ni Rachel ang kaniyang asawa ng isang belated happy birthday, na sinabing ang kanilang pangalawang anak ay kaniyang regalo para sa susunod na ilang taon.

“Also, belated happy birthday to the hubs- you already know this counts as your gift for the next few years. Love you [and] us forever.”