Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang buena manong guest ni King of Talk Boy Abunda sa pilot episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" na nagsimula na noong Lunes, Enero 23, sa kaniyang pagbabalik sa orihinal na home network makalipas ang halos dalawang dekada.

Para kay Boy, hinding-hindi niya malilimutan ang pagkakataong makapanayam si Marian, na unang request daw niya na sana'y makapanayam sa unang episode nga ng FWTBA, bagay na na-achieve naman niya.

Bukod sa mga rebelasyon ni Marian patungkol sa kaniyang karera at pagsisimula nila ng mister na si Dingdong Dantes, naging usap-usapan din ang branded painted dots pajama na suot-suot niya sa naturang guesting.

Oo, pajama pala ang suot ni Yan bagay na hindi nahalata sa unang tingin. Take note, hindi lamang basta pajama ito kundi tatak-Louis Vuitton!

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Hindi ito nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen na marunong kumilatis ng isang luxury brand gaya ng LV.

Naging mabilis ang mga netizen sa pagsasaliksik kung anong LV pajama ito. Batay naman sa kanilang paghahanap, ito raw ay "LV X YK painted dots pajama shirt" na nagkakahalagang US$2,320.00 o ₱126,434.20 ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

Ayon pa sa ulat, collaboration at collection ng LV at 93-anyos na Japanese contemporary artist na si Yayoi Kusama ang usap-usapang pajama outfit ni Marian, na muling magbabalik-teleserye ngayong 2023, sey niya mismo.

Screengrab mula sa PEP

Komento naman ng mga netizen, kahit pajama raw ang suot ni Marian ay lutang na lutang pa rin ang kaniyang kagandahan.

May ilan pang nagbirong hindi nila kakayaning magsuot ng ganoong pajama; gagalugarin na lamang daw nila ang kalakhang Divisoria o kaya naman ay ukay-ukay para bumili nang ganoon.

Pero kung kasingganda ka naman ni Marian, at afford naman, why not 'di ba?