Tila marami rin ang makakarelate sa komento ng actress-entrepreneur na si Neri Miranda hinggil sa paa ni Megastar Sharon Cuneta.

Kamakailan, ibinahagi ni Shawie ang kaniyang cute na manicure-pedicure sa kaniyang Instagram account na umani ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Makikitang pink ang kuko sa paa ni Mega at “pearly” naman ang kaniyang kuko sa mga kamay.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Isa sa mga nag-react dito ay si Neri na hindi napigilang mag-throwback. Aniya, agaw-pansin talaga noon pa ang pagkakinis ng balat ng megastar.

"I remember nung una ko po kayo na-meet... SCQ palang po nun tapos pinapunta po kami sa studio nyo po ng Sharon.. ang kinis kinis nyo po talaga pero agaw pansin sa akin," ani Neri sa comment section ng post ni Shawie.

Dagdag pa niya, "yung paa mo po.. mas makinis pa sa mukha ko! Isa sa pinakamagandang paa na nakita ko and kay Miss Helen Gamboa rin!"

Samantala, nag-react din si Ogie Diaz.

"Yung post tayo nang post ng mga mukha natin sa IG, tapos si Sharon Cuneta, dinaan lang tayo sa paa,” text caption ni Ogie sa kaniyang IG post.

“Teka, papa-foot spa lang ako para ibalandra ko rin talampakan ko sa IG,” pahayag pa niya.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/01/23/sharon-cuneta-mega-flex-sa-kaniyang-mani-pedi-dinaan-tayo-sa-paa-sey-ni-ogie-diaz/