Hindi napigilan ni Manay Lolit Solis na paghambingin ang Kapuso actor na si Alden Richards at batikang aktor na si Eddie Garcia.

 

Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, sinabi ni Manay na marami pa rin daw ang naiinggit kay Alden. Aniya, nagtataka raw ang mga ito kung bakit marami pa ring proyekto ang aktor sa kabila ng pandemya. 

"Talagang tulad mo Salve ang dami din inggit kay Alden Richards. Ayaw tantanan ang mga bagay tungkol kay Alden. Nagtataka sila kung bakit hangga ngayon kahit pandemic ang dami parin trabaho ni Alden Richards," sey niya.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Dagdag pa ni Lolit, kaya raw hanggang ngayon ay maraming biyaya si Alden at hindi binibitawan ng mga tao dahil hindi raw ito nagbago-- very polite and sweet pa rin daw ito. Bukod dito, marunong din aniya na tumanaw ng utang na loob ang aktor.

"Kung bakit hangga ngayon ayaw bitawan ng mga followers niya si Alden, hangga ngayon buhos ang biyaya sa binata at mahal na mahal ng mga tao. Dahil nga never nagbago si Alden, lagi siyang polite at sweet. Marunong tumanaw ng utang na loob, tignan mo pagmamahal niya kay mama Tenten. Pay forward lahat ng nagaganap kay Alden. Lahat ng itinanim niyang mabuti balik biyaya sa kanya," paglalahad pa ni Lolit.

Isa rin daw si Alden sa hinding-hindi malilipasan ng panahon. Kaya naman naihambing niya rito ang yumaong si Eddie Garcia. 

Si Eddie Garcia ay isa sa mga magagaling na aktor sa industriya ng showbiz. Ngunit siya ay pumanaw na noong 2019.

"Basta isa si Alden Richards sa mga artista na never lilipasan ng panahon. Dahil saan man o anuman season kayang dalhin ni Alden. Magiging para siyang Eddie Garcia, anuman generation puwede mong gamitin ang personalidad niya. Alden will grow up with the times, growing with anything good, dahil mabuti siyang tao at artista, forever Alden Richards, promise," saad ni Lolit.