Nagpasalamat ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez sa mga nanood ng pilot episode ng "Dirty Linen' na magaganda at positibo ang feedback, reviews, at nakikipagsabayan pa sa trending list sa Twitter.

Janine Gutierrez at Tessie Tomas (Larawan mula sa Balita Online/Twitter)

"Thank you soooo much to everyone for tweeting and trending and watching Dirty Linen Day 2. We super appreciate you. Thank you," ayon sa tweet ni Janine.

Pilot episode ng Dirty Linen, pinag-usapan; karakter ni Tessie Tomas, 'pa-shade' nga ba?

https://twitter.com/janinegutierrez/status/1617897854999343106

"I really really believe in our show and your support means everything - mapa team tv, tv5 or online - salamat," aniya pa.

Marami naman ang pumupuri sa acting prowess ni Janine---mata pa lang at kilay raw ay umaarte na!

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Ang galing ni Janine! Facial expressions pa lang pang-Best Actress na."

"Saan mo natutunan Janine ang mata-mata school of acting na 'yan? Galing!"

"Shookssss… @janinegutierrez teeeeehhhh… Kakatakot ang mga mata mo… ang intense huhh… Galing-galing mo dzaiiii."

May mga nagsasabi ring deserve ng serye na mailagay sa sikat na streaming platform na "Netflix" dahil sa de-kalidad at "word-class" nitong produksyon sa ilalim ng Dreamscape Entertainment.