Ipinatikim kaagad ng NLEX Road Warriors ang bagsik nito laban sa Blackwater, 124-102, sa PBA Governors' Cup sa Araneta Coliseum nitong Miyerkules.
Kumubrang 32 puntos ang dating NBA player at ngayo'y import ng Road Warriors na si JonathonSimmons, bukod pa ang siyam na rebounds at pitong assists.
Sumuporta naman sa kanya ang kakamping si Kevin Alas sa nahakot na 31 puntos.
Hindi namannakadiskarte nang husto si Blackwater import Shawn Glover dahil nakakuha lang ng 26 puntos, sumunod sa kanya si Ato Ular (14 puntos), Baser Amer at Yousef Taha kapwa pumitas ng 13 puntos.
Kaugnay nito, inihayag ni Road Warriors head coach Frankie Lim, pinatunayan lamang ni Simmons na mahusay siyang manlalaro dahil dati itong naglaro sa San AntonioSpurs, Orlando Magic,atPhiladelphia 76ers.
Ito ang unang sabak ni Simmons sa PBA matapos mabigyanng go-signal ng dating koponan nito sa Chinese Basketball Association (CBA).