Kamakailan lamang ay inanunsiyo ng celebrity couple na si Patrick Sugui at Aeriel Garcia na magkakaroon na sila ng unang anak.

Ipinakita sa video ni Aeriel sa Instagram ang kaniyang lumalaking baby bump habang tumutugtog ang kantang "Twinkle Twinkle Little Star" sa background.

“S04 EP01: the one where they start a family,” caption ni Aeriel sa kaniyang post.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Matatandaang ikinasal sina Patrick at Aeriel sa Batangas noong Abril 2022, pagkatapos ng tatlong taong pagsasama.

Bago ang kanilang kasal, ibinunyag nina Patrick at Aeriel na sila ay nagsasama na ngunit natutulog sa magkahiwalay na kama mula noong bago pa sila magpakasal.

Inulan naman ito ng bati ng mga taga-suporta at mga celebrity katulad nina Adie na kaniyang kapatid, Ria Atayde, Marco Gumabao, at Barbie Imperial.