Usap-usapan ngayon sa TikTok ang naging birada ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa dating nakasama sa showbiz-oriented show na si Alex Gonzaga, sa kasagsagan ng cake issue nito.

Ayon kay Cristy sa isang episode ng "Showbiz Now Na", bukod sa madalas na late dumating ang aktres-TV host-vlogger sa set at nadedelay ang kanilang taping, nasita rin niya ito matapos maaktuhang nagpapa-make-up ito sa make-up artist habang nakahiga.

Lahat daw ng pisi ng pagpapasensya ay ibinigay na ni Cristy kay Alex, subalit ang pinakamatindi raw ay nang maispatan nga niya itong nagpapa-make-up nang nakahiga, habang ang nag-aayos sa kaniya ay nagkakandahirap-hirap.

Ilang beses raw niyang nakikita itong nakahiga habang nakaluhod naman ang make-up artist na si "Noel".

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

'Kung minsan naman, meron siyang director's chair at halos ibuyangyang na niya ang kaniyang ulo, siyempre hirap pa rin ang kaniyang make-up artist," ani Cristy.

Nang minsan ay hindi na raw makatiis, "tinalakan" na ni Cristy si Alex dahil para daw itong bangkay sa morgue na mine-make-upan. Kinausap na ni Cristy ang kanilang executive producer dahil hindi na raw ito tama.

Kaya ang ginawa nina Cristy, sila na mismo ang nagtanggal ng mga higaan at upuan sa set upang hindi na ito magawa ni Alex.

"Sobra na ang ginagawa niya… wala siyang respeto sa mga hindi niya kauri sa palagay niya," pahayag pa ni Cristy.

"Manipulative siya eh… namimili siya ng kaniyang irerespeto. Pero kapag hindi niya co-equal yung tao, napakababa ng kaniyang pagtingin."

Naiugnay pa niya ito sa nangyaring pamamahid ng icing sa noo ni Allan Crisostomo na hindi niya aniya "ka-level" kaya puwede niya itong i-bully.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Alex patungkol sa isyung ito.