Umarangkada na nga sa Primetime Bida ng Kapamilya Network ang bagong suspense-drama series na "Dirty Linen" tampok sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, Angel Aquino, Janice De Belen, Epy Quizon, John Arcilla, at Tessie Tomas.

Ito rin ang muling pagbabalik-teleserye ng Kapamilya child star na si Xyriel Manabat na nakilala sa seryeng "100 Days to Heaven" kasama sina Jodi Sta. Maria at Coney Reyes.

Markado rin ang cameo role ng award-winning actress na si Dolly De Leon.

Ito rin ang unang teleserye ni Jennica Garcia, anak ni Jean Garcia, bilang isang Kapamilya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad na nag-trending sa Twitter ang pilot episode ng serye, at maraming pumuri sa cinematography at musical score nito, na para bang nanonood daw sa isang suspense-thriller-horror ang mga manonood.

Sana lang daw ay masustain o maretain ang production nito at huwag madowngrade.

Samantala, may mga netizen naman ang nagsabing tila may "shade" ang karakter ni Tessie Tomas dito na si "Donya Cielo Fierro", lalo na sa eksenang kumakanta ito sa ipinatayong sabungan ng kanilang pamilya.

Marami naman ang pumuri sa acting prowess ng cast, lalo na si Janine Gutierrez na mata pa lamang daw ay nangungusap na.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Ang tapang ng Dirty Linen!"

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1617538485719797762

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1617527975964180482

"Parang may nakikita ako sa karakter ni Donya Cielo played by Ms. Tessie Tomas!"

"Bakit naaalala ko sa sabungan na may bangkay sa ilalim yung Manila Film Center? Ooopppssss…."

"The missing 4 dumped in a hole and covered with cement, tinayuan ng building for sabungan, sounds familiar isn't it. It's like the construction workers of the CCP."

"Dirty Linen deserves to be shown on Netflix. The cinematography ang ganda. The powerful ensemble casts were all great in their roles even the special participation casts especially Dolly De Leon. The eyes of @janinegutierrez are already acting without her saying anything."

"The parallels… she didn't hold back talaga!"

Hangad ng netizens na mailagay rin ito sa Netflix.